Thursday , December 19 2024
Rolando “Rolly’ Romero Gervonta ‘Tank’ Davis

Romero vs Davis magkakaroon ng rematch

SINABI ni Rolando “Rolly’ Romero na naghahanda na siya para sa rematch nila ni WBA ‘regular’ lightweight champion Gervonta ‘Tank’ Davis pagkaraang matalo siya dito via knocked out sa 6th round nung May 28th.

Walang sinabi si Rolly (14-1, 12 KOs) kung kailan ang sinasabi niyang rematch kay Tank Davis, pero sa laki ng tiwala niya sa kanyang sinasabi, posibleng nalalapit na iyon.

Para sa boxing public, mahirap para sa Mayweather Promotions na ibenta ang ikalawang laban sa pagitan nina Tank at Rolly, pero malaki ang gagampanan ng PBC para kagatin muli ng publiko ang muling paghaharap ng dalawang boxers.

Tinawag ni Rolly  ang sarili na “pay-per-view star’ pagkaraan ng laban niya kay Tank, na ipinalabas sa Showtime PPV.  Nasabi niya iyon dahil ang mga nakaraang laban ni Tank ay hindi ito nakitaan ng paghatak sa PPV.

Pero ang problema lang ni Rolly ay  parang imposibleng makuha pa niya ang 135-lb weight limit dahil simula na siyang lumapad na tinatayang papunta na siya sa timbang na welterweight.

“You’re not looking at it from my perspective. I won, bro. I’m the most marketable fighter in the sport and the best s*** talker in the sport,” sabi ni  Rolly Romero sa social media tungkol sa pagkatalo niya kay  Gervonta Davis nung May 28th.

“As I said, I’m going to get Gervonta Davis again. I already know that. That fights going to happen again. Honestly, I don’t know if the shot hurt or not because I didn’t feel it,” sabi ni Rolly sa  knockout blow ni  Gervonta na tumama sa kanya sa sixth round.

 “I’m going to get that fight again. The future is lined up good. My potential opponents for my next few fights are crazy. I got some great fights, very marketable rights, fillup an arena fights. I know I can fill up the MGM and I can fill up the T-Mobile. I sold out the Barclays.

“I was beating the f*** out of him and I got caught with a good shot. That’s boxing,” sabi ni Rolly. “It was due to one simple mistake that I made where I made the mistake and I’ll never do it again.

“So, I f**** won, I learned. I’m a f*** pay-per-view star, and I did that faster than anybody else in the history of boxing. I took risks that other mother f*** wouldn’t have taken.”

About hataw tabloid

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …