Monday , November 18 2024
Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Covid-19.

Sa Instagram post ni Kris nitong Huwebes ng madaling araw, inamin niya na nagpositibo sila sa COVID-19.

Kuya Josh tested positive for [COVID-19] on June 20. Nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him first because he was so unlike himself. He was just lying down, on the sofa, no energy to play or watch GouTubr on his phone,” ani Kris.

Ang nurse ang nagsabi kay Kris sa pagpopositibo si Joshua sa Covid.  Noong una raw ay hindi pa nito naintindihan ang sinasabi ng nurse hanggang si Bimby ang nag-esplika at agad siyang pinagsuot ng facemask.

 “My instinct was to go and hug kuya but everyone told me I needed to leave immediately and move to a hotel because I was severely immuno compromised and being covid positive would mean ICU for me,” sambit ni Kris na-diagnosed ng tatlong kalse ng autoimmune disease, ang Extreme Vasculitis o EGPA, Autoimmune Thyroiditis, at Chronic Spontaneous Urticariamaking kaya naman immunocompromised at vulnerable siya sa Covid 19. 

“It was heartbreaking to leave kuya, I felt I was abandoning him in time of need,” malungkot na sabi ni Tetay.

At para makatiyak, nag-PCR test sina Kris at Bimb at sa inisyal na test ay nag-negative sila ngunit makalipas ang ilang araw ay sumama ang pakiramdam niya.

“By the 23rd mid morning I asked Nurse Eloi to please check my temperature because something was off. True enough, I had fever.

“I said to please get the antigen test kit. Nurse Eloi tried to remain calm but in less than 5 mins both red lines hd appeared. Kuya was already at the same hotel so I told them to please take Bimb,” ani Kris.

“True enough, less than 12 hours after me Bimb was also Covid positive,” kuwento pa ni Kris. 

Sa aspetong ito’y nakapagbiro si Kris sa namayapang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino, aniya,“Since this was already your death anniversary, somehow I felt reassured knowing that the three of us would get through this new ordeal especially because you would never allow us to have a death date so close to yours.”

Sa ngayon ay nagpapagaling ang mag-iina mula sa COVID-19.

Isang mensahe naman ang ibinigay ni Kris sa kanyang mga tagasuporta. “This isn’t a permanent goodbye, ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers. I am forever #grateful.

“Promise, pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …