Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Lolit Solis

Lolit kay Bea — ‘wag power tripping para ‘di lumabas wrinkles 

MA at PA
ni Rommel Placente

MULI na namang nagpatutsada si Lolit Solis kay Bea Alonzo na idinaan sa kanyang Instagram post. 

Ito ay ang reaksyon niya sa sinabi ni Bea sa interview sa kanya ni Barbie Forteza sa Youtube channel nito, na willing siyang makipagtrabaho pa rin sa kanyang ex-boyfriends, except sa isa, na sinasabi ng marami na si Gerald Santos ang tinutukoy niya.

Post ni Manay Lolit, “Tawa naman ako sa mga lumabas na items ni Bea Alonzo, Salve. Meron duon na sinabi niya na never na siyang sasama sa isang project na nanduon si Gerald Anderson. “Wow! Strong words. Tandaan ni Bea Alonzo na ang nang iwan sa kanya si Gerald Anderson, hindi siya. So huwag palabasin na parang ang may choice si Bea, si Gerald ang nasa upper hand dito dahil siya ang nang iwan, hindi siya iniwan, dahil ang na ghosting si Bea.

 “Ok kung gusto ni Bea Alonzo mag power tripping, mamili ng partner, fine, go. Pero tandaan niya hindi siya ganuon kasikat, marketable para siya ang masunod sa casting. Baka dahil sa power tripping niya, siya pa ang palitan, maraming mas malaking stars sa kanya na mas malakas ang hatak sa manunuod, mas bata mas maganda at mas professional. 

“Kaya huwag maarte na nagsasabi na hindi ko type kasama si ganito o ganyan, dahil tignan muna ang level bago mag demand. Huwag over sa power tripping, baka mapahiya lang. Payo lang po, huwag mapikon, para huwag lumabas wrinkles.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …