ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ni JC Santos ang kagalakan sa ginagawa sa kanyang pag-aalaga ng BeautéHaus.
Ito ang post ni JC sa kanyang IG account, “Rejuvenated with BeautéHaus’ top-of-the-line treatments!”
Sa ginanap na pormal na pag-welcome ng BeautéHaus sa mahusay na dramatic actor bilang opisyal na brand ambassador nito, nabanggit niya ang kahalagahan nang maayos na itsura.
Lahad ni JC, “Kahit kaming mga lalaki ay dapat mag-effort para maging maayos ang aming itsura. Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance.
“Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”
Si JC ay ipinanganak at lumaki sa Pampanga. Nagsimula ang kanyang karera sa teatro bago tuluyang sumikat bilang isa sa mga pinakainirerespetong actors ng industriya. Ilan sa kanyang mga notable performances ay napanood sa mga top-rating na serye ng ABS-CBN gaya ng Till I Met You, Ikaw Lang Ang Iibigin, at FPJ’s Ang Probinsyano. Mayroon din siyang feature appearances sa mga critically-acclaimed films gaya ng 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentines, at Miracle In Cell No. 7.
Nagsimulang sumailalim si JC sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments. Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.
Itinatag ni Ms. Rhea Anicoche-Tan noong 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.
Ipinagmamalaki ng clinic ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kompleto din ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.
Sa nakalipas na anim na taon, libo-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu, at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatments.
Ngayon, ang center ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya ng mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies na bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama rin ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang, mga endorsers ng Beautéderm.
AngPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea ay maligayang-maligaya ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus.
Wika ng lady boss ng Beautéderm, “BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic.
“I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited kami ngayong kasama na namin si JC, lalo at naghahanda na kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center na magiging bahagi ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon.”
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa BeautéHaus at para sa mga kapanapanabik na updates ukol kay JC Santos, i-like ang BeautéHaus sa Facebook at sundan ang @beautéhaus.clinic sa Instagram.