Sunday , December 22 2024

Programa ng PH gov’t sa Hajj ipinarerebisa

IPINAREREBISA ni Deputy Speaker Mujiv Hataman ang programa ng gobyerno sa mga Muslim pilgrim sa Haj matapos maantala ang biyahe nito patungo sa Mecca.

“Isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng mga Muslim ang Hajj. Mapalad ang mga nakapaglalakbay at naisasagawa ito kahit isang beses sa kanilang buhay. Kaya nakalulungkot ang balitang marami ang hindi makakaranas nito ngayong taon dahil sa pagkakamali o kapabayaan ng iilan,” ani Hataman.

Nagbanta si Hataman na magpapatawag siya ng imbestigasyon patungkol sa umano’y kabiguan ng National Commission for Muslim Filipinos (NCMF) na ayusin ang mga visa ng mga Muslim na kasalukuyang  stranded sa Metro Manila.

“Dapat ay malaman natin kung bakit nangyayari ang mga ganito. May pondo naman ang NCMF para ayusin ang Hajj ng mga kababayan nating Muslim, pero bakit may ganitong klaseng gusot na nangyayari? We should hold accountable all those responsible for this mess,” tanong ni Hataman, dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“Baka kailangan pag-aralan natin ang proseso ng coordination ng mga tanggapan sa NCMF tungkol sa Hajj at tingnan kung saan puwedeng malunasan ang pag-amyenda ng batas. May nagpabaya ba? May nagkamali ba? Saan galing ang gusot? Ito ang mga titingnan natin sa ating imbestigasyon,” aniya.

“O baka naman kailangan nating pag-aralan kung dapat bang sa private sector na natin ibigay ang Hajj coordination tulad ng ginagawa sa ibang bansa. Mahigit sa 1,000 ang kulang sa stranded Filipino pilgrims dahil sa na-cancel na flights.”

Isa sa mandato ng NCMF ay pakipag-ugnayan sa pamamagitan ng Bureau of Pilgrimage and Endowment, sa Bureau of Immigration, upang mabigyan ng bisa ang mga pupunta sa Mecca sa Saudi Arabia para sa Hajj.

Higit isang libong Muslim ang stranded sa Metro Manila matapos makansela ang flight noong 19 Hunyo 20 at 21. 

Nanawagan si Hataman sa NCMF at sa mga ahensiya ng gobyerno at sa BARMM na tingnan nag kalagayan ng nga stranded na Muslim.

“Moral governance requires us to be pro-active in looking after the welfare of these stranded Muslim pilgrims. Marami riyan, nagagastos na ang pocket money na baon dapat nila sa Hajj at baka wala nang pantustos sa araw-araw. Sana ay mapuntahan sila, matanong at matulungan, hindi ‘yung bahala na sila sa buhay nila,” giit ni Hataman.

“May pondo ang NCMF para sa mga ganitong klaseng problema, bakit hindi gamitin? Let us show compassion sa ating mga kapatid na Muslim na nasa ganitong sitwasyon ngayon dahil sa kapabayaan ng iilan,” dagdag niya.

Aniya, ang Hajj ay isang importanteng bagay sa mga Muslim.

“Kaya pinag-iipunan ito ng mga tao. Kung salat ka sa buhay at nagawa mo itong pag-ipunan, ano ang mararamdaman mo?” Ngunit stranded ka ngayon sa Maynila at hindi tiyak ang iyong pilgrimage? Tanong ni Hataman.

“Dapat hindi na ito maulit pa. We want a better piligrimage experience for Muslim Filipinos, hindi ‘yung ganito. Kaya tingnan natin kung ano ang maitutulong ng Kongreso sa NCMF para maiwasan itong mangyari sa mga susunod na taon,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …