SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI pala biro ang pinagdaanang depresyon ni Ice Seguerra. Naikuwento niya ito sa isinagawang Healthy Pilipinas Short Film Festival. Isa sa anim na short film ang entry niyang, Dito Ka Lang.
Kaya naman halos napaiyak ang lahat ng nanood sa kuwento ng singer-songwriter sa kanyang pinagdaanang depresyon.
Ipinalabas ang anim na tampok na short films na may iba’t ibang kuwento at tema na ang mensahe sa sambayanang Filipino ay ang kahalagahan ng tamang pag-aalaga sa kalusugan at katawan.
Ang anim na filmmakers na lumahok sa filmfest ay mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na tumugon sa hamon na mag-produce ng pelikula (ng hindi hihigit sa 17 minutes bawat isa) tungkol sa iba’t ibang health issue.
Ito ay ang Ang Paboritong Pinggan ni Nanay ni Carlo Enciso Catu; Child’s Play ni Julienne Ilagan; Brand X ni Keith Deligero; Llegada nina Ryanne Murcia at Zurich Chan; Life On Moon ni Sheron Dayoc; at Dito Ka Lang ni Ice.
Ang ma short film ay tumatalakay sa Healthy Habits ng fitness and nutrition, sustainable living, substance abuse prevention, mental health, safe sex, at safety measures.
Sa anim na pelikula, dalawa ang nagustuhan at tumatak sa amin, ito ang animation na Brand X at ang musical documentary ni Ice na Dito Ka Lang.
Entertaining ang Brand X na bagamat ginamitan ng salitang Bisaya ay madaling maintindihan. May pa-loveteam pa nga ito na ang mensahe ay ukol sa climate change.
Nagpaiyak naman si Ice sa kanyang docu-movie na sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinagtapat niya ang ukol sa kanyang mental health problems. Sobra ring nakaka-touch ang musikang ginawa ni Ice, ang Wag Kang Aalis.
Ani Icegrabe ang kabang naramdaman niya habang ginaganap ang Healthy Pilipinas lalo na nang ipinalalabas ang Dito Ka Lang. Subalit napalitan ito ng saya nang magustuhan ng mga nanood ang kanyang docu-short film.
Ang Healthy Pilipinas ay bahagi ng pakikiisa ng FDCP at DOH sa malawakang kampanya ng Duterte administration para sa kalusugan ng bawat Filipino. Ang anim na short film ay gagamitin ng DOH sa kanilang mga health and wellness campaign.
“Who would have thought that FDCP and DOH would champion together both of their advocacies in a way that is very relatable and very engaging to our audience.
“It’s amazing how being in lockdown has spurted creativity even in isolation. The film community stayed active with writing, story development, and preparing for the time that shoots and filming will be allowed again.
“We excitedly took this on as health has become a paramount concern for every person globally. It is the right time to harness the power of cinema and social media to communicate something relevant,” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.
Ayon naman kay Dr. Beverly Ho, DOH Concurrent Director ng Health Promotion Bureau, “We’re happy that this partnership was born because FDCP does the things we are unable to do, they help us raise awareness on the 7 Healthy Habits and of course, with the added benefit of featuring our homegrown talents in the film industry. We are very much excited about this initiative.”
Suportado rin ni DOH Sec. Francisco Duque III ang proyektong ito ng FDCP, “Sa pag-usbong ng new normal bunsod ng COVID-19 pandemic, ang pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ay nararapat maging prayoridad sa bawat tahanan, workplace, paaralan at komunidad.
“Isang paraan upang maipa-abot ang mensahe na ito sa mga tao ay sa pamamagitan ng pelikula at media. Hangad ng ating adbokasiya ang masaya at malikhaing presentasyon ng mga pelikula na dekaledad at puno ng mga magagandang mensahe.
“Halina’t magsama-sama para ang bawat Pilipino ay maging malusog na mamamayan, para sa isang Healthy Pilipinas,” anang Kalihim.