Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
DAHIL marami sa ating kababayan ang pumapalag sa walang tigil na pagtaas ng gasolina at diesel, hindi sapat na maging araw-araw ang kanilang biyahe papunta sa kanilang trabaho dahil sa taas ng lahat ng produkto at pasahe — na sa kasulukuyan ay nakabinbin pa rin — ang kahilingan ng transport groups na gawing P15 ang pasahe bagay na pinangangambahan ng lahat.
Kung ia-adjust ang araw, sana ay isang linggo nang face-to-face sa trabaho at isang linggong work from home gaya ng suhestiyon ni Senator Sherwin Gatchalian na tipid gasolina.
Suhestiyon ito ng Senador sa mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kompanya. Ipagpatuloy ang flexible arrangement para makatipid sa gasolina at pasahe, na siyang ginawa ng Senador sa kanyang opisina kasama ang pagbabawas ng stress sa matinding trapik na nararanasan ng commuters at motorista.
Sa Parañaque City, isang flying school ang lumiham kay Mayor Edwin Olivarez at ibang kolehiyo para gawing isang linggo ang face-to-face at isang linggong online classes. Pinag-aaralan ito ngayon ng Alkalde .
Chua brothers inihalal sa iba’t ibang posisyon sa Cavite province
BIHIRA, pero nangyari, tatlong magkakapatid ay inihalal sa iba’t ibang posisyon.
Kadalasan kapag nanalong mayor, congressman at konsehal ito ay sa iisang bayan o siyudad lamang, pero naiiba sa lalawigan ng Cavite.
Si Mayor Dino Reyes Chua ay nahalal muli para sa kanyang ikatlong termino bilang Alkalde ng bayan ng Noveleta.
Ang kanyang nakababatang kapatid na si Denver Christian Reyes Chua ay nahalal sa Cavite City, tinalo niya ang anak ng dating mayor.
Samantala, si Davey Reyes Chua ay nahalal bilang Board Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite Province.
Sa lakas ng karisma ng magkakapatid na Chua, wala akong masabi.
At sa tulong na rin ng mag-amang Senator Bong Revilla at outgoing Vice Gov na ngayon ay nahalal bilang Congressman ng District I ng Cavite Province.
Kaya nga sabi ko sa kanilang magandang ina, ‘napakasuwerte mo!’