I-FLEX
ni Jun Nardo
STAR-STUDDED at puno ang Cinema One ng SM Megamall sa red carpet premiere ng T Rex Entertainmentmovie na Ngayon Kaya na palabas na sa mga sinehan ngayon.
Present ang lead stars ng movie na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Tilian at sigawan ang fans nilang nanonood sa romantikong eksena at halikan ng dalawa.
Dumalo rin sa premiere night ang father ni Janine na si Ramon Christopher at ibang kapatid, Jake Cuenca, Ria Atayde, Enchong Dee, Jake Ejercito at ibang cast ng movie.
Ang Ngayon Kaya ang first local movie na released commercially sa 100 theaters sa tinatatawag ngayon na New Normal.
Congratulations sa magandang movie na hindi pilit ang pagmakilig at humugot, ang Ngayon Kaya.