Monday , April 14 2025
Cara y Cruz

Napagod sa trabaho
OBRERO, DRIVER, BASURERO, PINTOR NAG-CARA Y CRUZ ‘PAHINGA’ SA HOYO 

HULI sa akto ang anim katao habang ‘naglilibang’ sa pagsusugal ng cara y cruz sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang mga inarestong sina Benjiel Carillo, 28 anyos,  obrero; Edwardo De Leon, 42 anyos, jeepney driver; Gilbert Abrenosa, 33 anyos; Ruben Asidera, 40 anyos; Mark Isip, 25 anyos, kapwa, garbage collector, at Jerico Lacbayo, 32 anyos, pintor.

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Mardelio Osting, nakatanggap ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 ng impormasyon mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling o cara y cruz sa Calabucab St., Brgy. Tinajeros.

Kaagad nirespondehan ng mga tauhan ng SS2 ang nasabing lugar para alamin ang naturang ulat at pagdating ng mga pulis sa nasabing lugar dakong 6:00 pm ay naaktohan ang anim katao na naglalaro ng cara y cruz.

Inaresto ang mga suspek at narekober sa kanila ng mga pulis ang tatlong pisong barya (pang-kara) at P610 bet money.

Sabi ng mga naaresto, “naglilibang lang naman kami,” upang kahit paano’y mabawasan umano ang kanilang hirap sa pagtatatrabaho ngunit ngayon ay sa kulungan na sila nagpapahinga. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …