Tuesday , May 13 2025
prison

May bitbit na sumpak
KELOT KULONG SA KANKALOO

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng isang improvised shotgun (sumpak) sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Philip Cruz, 42 anyos, residente sa Lapu-Lapu Avenue, Brgy.12 ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition).

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) tungkol sa isang lalaki na may bitbit umanong baril sa Lapu-Lapu Avenue ng nasabing barangay.

Dakong 11:20 pm, kaagad nagresponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Rengie Deimos at nakita nila ang suspek na may bitbit na baril habang naglalakad sa nasabing lugar.

Nang sitahin, hindi naman pumalag ang suspek na agad sinunggaban ng mga pulis at narekober sa kanya ang isang improvised shotgun (sumpak) may isang bala ng 12 gauge. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …