MA at PA
ni Rommel Placente
MUKHANG magiging pantasya na ng mga kababaihan lalo na ng mga miyembro ng ikatlong lahi ang singer na si Darren Espanto. Ibang-iba na kasi ang itsura niya ngayon. May pictorial siya na shortless at ang ganda na talaga ng kanyang katawan, may abs siya, ha!
Unti-unti nang natutupad ang sinasabi niya noon sa mga interview niya, na gusto niyang makita ng mga tao ang “a different Darren.”
“We started doing this po last year when I got back from Canada. Pagbalik ko po ng March, my team and I sat down and we decided na it’s time to kind of showcase a different Darren in terms of his image and everything—‘yung styling ko po, ‘yung music ko and ‘yung appearance ko po.
“That’s why a lot of people were kind of shocked with my previous birthday pictorial na naka-sando lang ako kasi hindi raw ‘yon ‘yung nakikita nilang Darren and I think that was a good start,” sabi ni Darren sa interview sa kanya ng PUSH.
Pursigido pa si Darren na mas pagandahin pa ang kanyang pangangatawan ngayong taon at magpunta sa gym. Kaya lang, hindi niya ‘yun magagawa since wala siyang time.
“May ginagawa rin po kasi akong new series sa ABS-CBN so, nawalan ako ng time dahil naka-lock-in kami sa Baguio,” rason niya.