Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shot from a handgun with fire and smoke

Sabit sa droga?
DRIVER BINOGA SA TRUCK

ISANG truck driver ang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakaupo sa driver’s seat ng minamaneho niyang six-wheeler truck sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Patay agad ang biktimang kinilalang si Randy Lampayug, 32 anyos, stay-in truck driver ng Jamdi Trucking Services at residente sa Baseco, Port Area, Maynila sanhi ng tatlong tama ng kalibre .45 sa ulo at leeg.

Kaagad tumakas ang hindi kilalang suspek sa hindi nabatid na direksiyon.

Sa kanyang report kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, sinabi ni P/Cpl. Niño Nazareno Paguirigan, may hawak ng kaso, dakong 8:30 pm, habang nakaparada sa kahabaan ng C3 Road, Brgy. 28 ang minamanehong Dayun tractor head (AAN-1815).

Nakaupo si Lampayug sa driver’s seat  nang mapansin ng kanyang mga katrabaho na sina Rodrigo Rubio at Ramil Recala, kapwa stay-in truck drivers, ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot ng itim na jacket at denim pants na lumapit sa biktima saka tatlong beses na binaril sa ulo at leeg na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Ani Col. Mina, narekober ng Northern Police District (NPD) Forensic Unit team sa pangunguna ni P/Maj. Divina Funelas ang 14 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na may bahid ng hinihinalang shabu mula sa bulsa ng biktima habang ang ilang drug paraphernalia at isang sachet ng hinihinalang shabu ay natagpuan sa loob ng truck.

Tatlong pirasong basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang narekober din sa crime scene habang patuloy ang follow-up investigation ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek.

Hindi binabalewala ng pulisya ang posibilidad na ang pagpatay ay may kaugnayan sa ilegal na droga matapos sabihin ng kanyang mga katrabaho sa mga awtoridad na sangkot sa paggamit ng droga ang biktima. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …