Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gallo Andrew Muhlach Rhen Escaño Ryza Cenon Marco Gumabao Yam Laranas

Ryza hanga sa bilis at galing ng pagdidirehe ni Laranas

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI napigilang isambulat ni Ryza Cenon ang kanyang paghanga sa direktor ng kanilang pelikulang Rooftop na si Yam Laranas nang magkaroon ito ng mediacom kamakailan.

Ani Ryza,  “Actually, he’s amazing, kasi hindi lang siya ang director ng movie, he is also the screenwriter and the director of photography. So nakabibilib siya na kaya niya lahat gawin ‘yun. 

“Kung titingnan mo, nakakapagod, pero obvious na siya, nag-e-enjoy lang sa ginagawa niya.”

Ang Rooftop ang comeback project ni Ryza at natuwa siyang nakasama siya rito sa pelikulang ito with Marco Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo, Ella Cruz, Andrew Muhlach, at Epy Quizon.

“First time kong makatrabaho si Direk Yam. Ang bibilis nilang magtrabaho. ‘Yung production staff mabibilis silang lahat kumilos, so ‘yun naman ang nagustuhan ko,” sambit pa ni Ryza.  

At dahil horror-thriller movie ang Rooftop napag-usapan ang ukol sa pagkakaroon ng third eye ni Ryza. Naikuwento ng first time mom na ramdam na ramdam niya ang ilang ligaw na espiritu sa abandonadong Quezon Institute na pinag-syutingan nila. Bukas na bukas pala kasi ang kanyang third eye.

Naikuwento pa ni Ryza na bata pa lang siya’y may third eye na siya. Kaya naman sa tinirhan nilang townhouse noon ay nakakaramdam at nakakakita siya ng mga ligaw na kaluluwa.

When I feel something creepy on the set, doon na lang ako humuhugot para mairehistro ko on cam na mukha talaga akong takot na takot.

“Kasi sa scenes na tinatakot kami ng multo, wala naman talaga siya, but we have to pretend na nandoon siya and we are so frightened,” aniya pa.

Palabas na sa Vivamax ang Rooftop at kung mahilig kayo sa katatakutan, tamang-tama ang pelikulang ito sa inyo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …