Friday , November 15 2024
shabu drug arrest

Sa Navotas buy bust
P1.1-M SHABU, BARIL NASABAT DALAWANG TULAK, 1 PA HULI

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities at isang user makaraang makuhaan ng baril at mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Mark Renzo Valerio, 25 anyos, kilalang pusher/listed, Jayzen Manalaysay, 34 anyos, mangingisda, at si Glen Lacson, 36 anyos,  user/listed, pawang residente sa nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz, dakong 12:25 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, kasama ang TMRU, Sub-Station 4, Intelligence Section, at NDIT, RIU-NCR ng buy bust operation sa Tanigue Extension, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Valerio at Manalaysay matapos bentahan ng P5,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur buyer, kasama si Lacson na nakuhaan din ng hinihinalang shabu at baril.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 170 grams ng hinihinalang shabu, may corresponding standard drug price (SDP) P1,156,000, buy bust money, coin purse, tickler notebook, digital weighting scale, 2 sling bags at cal. 38 revolver Colt, may apat na bala.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagang kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive law on firearms and Ammunitions) ang kakaharapin ni Lacson. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …