Saturday , May 10 2025
shabu drug arrest

P68K na shabu nasabat sa Vale…
TATLONG TULAK, TIMBOG

SA kulungan ang bagsak ng tatlong hinihinalang drug personalities matapos makumpiskahan ng aabot P68K halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga nadakip na suspek  kinilalang sina Rafael Camua Jr, 32 anyos, Mark Anthony Santos, 43 anyos, Ricardo  Casimiro, 51 anyos na  pawang residente ng lungsod.

Ayon kay PLT Madregalejo, dakong 2;00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ng buy bust operation sa kahabaan ng Rincon Road, Brgy. Malinta.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000, buy bust money, P300 bills at dalawang cellphone.

Pinuri  naman ni NPD Director PBGEN Ulysses Cruz ang Valenzuela Police SDEU sa matagumpay na buy- bust operation habang  inihahanda ang kasong laban sa mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Bam Aquino Dingdong Dantes

Dingdong Dantes: volunteer na ni Bam Aquino mula noong 2013

NAGPAHAYAG si Dingdong Dantes ng buong suporta sa kaibigan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino, …

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …