Friday , November 15 2024
dead gun police

Motornapper patay sa shootout

PATAY ang isang hinihinalang motornapper makaraang makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanya habang umiihi sa tabi ng nakaparadang kinarnap na motorsiklo sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Inilarawan ang suspek na may taas 5’1”, medium build, nasa edad 30 hanggan 35 , nakasuot ng puting v-neck t shirt, asul na short pants, naka-tsinelas at may tattoo ng ‘’BAHALA NA’’ sa katawan.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 12:30PM (June 16) nang maganap ang enkwentro sa pagitan ng suspek at mga pulis sa paligid ng Quezon City Sports Complex, na matatagpuan sa St. Peter Julian Eymard Drive, Brgy. Kristong Hari, Quezon City.

Ayon sa mga nagrespondeng sina Police Corporals Jojo Antonio at Isias Depedro, ng Kamuning Police Station 10 ng QCPD, nagreklamo ang biktimang si James Ralph Enrile na tinangay ng ‘riding-in-tandem’ ang kanyang sky blue Yamaha Nmax motorcycle sa Palansa St., Barangay Santol, sa lungsod.

Habang nagsasagawa naman ng anti criminality patrol ang mga operatiba ng PS-11 sa pamumuno ni PLt. Col. Christopher Ian Ang ay naispatan nila ang isang lalaki na walang suot na face mask, at may nakasukbit na baril sa beywang habang umiihi sa sidewalk malapit sa nakaparadang motorsiklo.

Dahil dito ay nilapitan ng mga awtoridad ang lalaki upang sitahin at beripikahin pero biglang bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Naging alerto naman ang mga pulis at agad ring gumanti ng putok ng baril at agad na bumulagta ang suspek.

Positibo namang kinilala ng biktima na ang napatay na suspek ang isa sa mga tumangay ng kaniyang motorsiklo.

Nasamsam sa crime scene ng SOCO team sa pamumuno ni Captain Michael Jabel ang (1) unit Yamaha NMAX color black, (1) revolver caliber .38 na may limang bala, (3) fired cartridge cases at (1) deformed jacket fired bullet.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matunton ang isa pang kasamahan ng napatay na suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …