Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo

Sarah tuloy na ang paglipat sa GMA

MA at PA
ni Rommel Placente

BALITA namin ay sa GMA 7 na mapapanood ang The Voice Kids, na dating nasa  ABS-CBN. Ang Kapuso Network na raw kasi ang nakakuha ng franchise nito ngayon. At sina Sarah Geronimo at Bamboo pa rin ang dalawa sa magiging coach. 

Hindi naman daw tinanggap ni Leah Salonga  ang offer ng Siete na maging parte ng nasabing show. Ayaw daw nitong lumipat sa Syiete at mas gustong maging loyal sa Kapamilya Network.

Noon pa naman ay may bulong-bulungan na lilipat na sa GMA 7 si Sarah. So, tuloy na pala ito, dahil kasama siya sa The Voice Kids?

Siguradong maraming loyalista ng ABS-CBN ang magagalit kay Sarah. Sasabihin nilang ang ABS-CBN ang nagpasikat sa misis ni Matteo Guidicelli tapos iiwan niya lang pala ito.

Pero hindi sila dapat magalit kay Sarah dahil may manager ang magaling na singer, ang Viva. Sila ang nagdedesisyon para sa career nito.

Well, abangan na lang natin kung sa GMA 7 na nga mapapanood si Sarah. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …