Friday , November 15 2024
suicide jump building

Di kilalang babae tumalon sa condo, bumagsak sa 6/F patay

HINIHINALANG nagpatiwakal ang hindi kilalang babae sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali at bumagsak sa ika-anim na palapag ng isang condominium sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang  7:00 am, kahapon 14 Hunyo, nang madiskubre ang nakabulagta at duguang katawan ng hindi kilalang biktima sa 6th floor sa likuran ng  isang condominium sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSgt. Alvin Bolastig, nagroronda ang security guard na si Theresa De Castro sa buong bisinidad ng condo nang matagpuan ang nakabulagtang biktima at wala nang buhay.

Agad ipinagbigay alam ng guwardiya ang insidente  sa kanyang superior at ini-report sa mga awtoridad ang hinalang pagpapatiwakal ng biktima.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima kung ito ay residente ng condo sa nasabing lugar. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …