Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raco Ruiz

Patok na TikTok broski Raco Ruiz kasali na sa NYMA family

ANG paboritong TikTok broski ng bayan na si Raco Ruiz ay nasa NYMA talent agency na. Ang NYMA o “Now, You Must Aspire” ay bahagi ng KROMA Entertainment.

Pangarap ng NYMA na lalo pang pasikatin ang mga Filipino talent gaya ni Raco gamit ang iba’t ibang plataporma—TV, radyo, at print hanggang sa mga social media channels na kinababaliwan ng maraming Pinoy.

Sumikat si Raco sa TikTok (@racobell) at ngayo’y mayroon nang daan-daang followers dahil sa kanyang mga meta-comedy skit.  Ang mga nakatutuwang video niya tungkol sa makabagong kulturang conyo at mga voiceover ng mga pelikula at cartoons noong dekada ‘90 ay umani ng milyon-milyong views. 

Dahil gusto niyang maging full-time content creator, malaking tulong ang NYMA para kay Raco.

“Madalas na nagiging hyper-focused ang isip ko sa creative aspect at hindi ko na naaasikaso ang business o logistics side na kasing importante rin naman ng creative part kung gusto mo itong maging hanapbuhay,” ani Raco.

“Inaasikaso ng NYMA ang mga bagay na hindi ko mabigyang pansin kaya nakakapag-focus ako sa kung saan ako magaling. Nagtutulungan kami at dahil pareho ang gusto namin, mas napapadali ang creative process,” dagdag pa niya.

Naniniwala naman ang NYMA na malaki ang potensyal ni Raco na lalo pang makilala sa tradigital space dahil sa ipinamalas niyang talino sa pagiging video director at visual artist,  dagdag pa ang kanyang husay sa pagsusulat ng comedy skits. 

Napakagaling na artist ni Raco at mayroon din siyang sense of humor. Bilang isang multi-hyphenated artist, nararamdaman namin na magdadala siya ng kakaibang experience sa Filipino audience. Excited na kaming makatrabaho si Raco at yanigin ang local entertainment scene,” sambit ni Kat Bautista, Head ng NYMA.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …