Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
TUMAAS nga ang sahod ng manggagawa, ang minimum wage. Walang tigil naman ang pagtaas ng mga produkto, dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ngayon, piso hanggang P15 ang inihihirit na taas-pasahe ng ibang public transport, anong silbi ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa? Useless!
Walang silbi, ang ibig kong sabihin dahil mas malaki pa ang itinaas na konsumo ng mga produkto kaya kulang ang itinaas na sahod ng mga manggagawa
Hanep talaga, ang buhay ngayon taghirap! Maraming nagugutom, baka pag-alis ni PRRD magsulputan na ang mga holdaper.
Sana sa pagpuwesto ni Pangulong Marcos, mabago ang lahat, 31 milyong bumoto sa kanya ang umaasa gaya sa presyo ng bigas at petrolyo!
Ilang tulog na lang, mauupo na ang mga bagong halal o reelectionist na mga kandidato.
Maraming umaasa kay BBM, isa na ang inyong lingkod na naging avid supporter nito, na ang paghihirap na dinaranas ng sambayanan ay lagyan na ng tuldok!
Sana!