HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos sapakin at tamaan sa mata ang kanyang live-in partner na isang call center agent sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 of RA 9262 ang suspek na kinilalang si Alexander Vargas, 33 anyos, residente sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 12:30 pm nang sundan ng 33-anyos biktima sa pamamagitan ng kanyang ‘instinct’ ang suspek.
Dito, nadiskubre ng biktima na ang live-in at lover umano nito ay nagsasama sa isang bahay sa T. Policarpio St., Brgy San Jose, Navotas City.
Nang komprontahin ang live-in partner, galit at sinagot siya ng isang suntok na dahilan upang magkaroon ng contusion hematoma o blackeye ang biktima sa kanyang kaliwang mata.
Matapos ang insidente, humingi ng tulong ang biktima sa mga tanod ng Barangay San Jose na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (ROMMEL SALES)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com