MA at PA
ni Rommel Placente
SA isang interview ni Diego Loyzaga ay idinenay niya na karelasyon ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel kahit pa spotted sila na magkasama sa isang resort noong nakaraang buwan.
May mga larawan din silang magkaakbay at magkalapit ang mga mukha.
Pero ayaw maniwala ng mga netizen na walang namamagitan sa dalawa.
Sabi nga ng isang netizen, “Ang bilis mgpalit ni diego parang damit lang [laughing in tears emojis]”
Ang huling nakarelasyon ni Diego ay si Barbie Imperial.
Sa comment na ‘yun ng netizen ay sinagot ito ng pabalang ng anak ni Cesar Montano.
Sabini Diego, “alangan naman wag ako magpalit ng damit? Same brief, isang taon ba dapat? Butas butas na siguro mga brief mo tol [face with peeking eye emoji]”
Isa pang netizen ang sinabihang “baliw” si Diego dahil itinanggi nitong girlfriend si Fanki.
Sabi ng netizen: “baliw dineny mo nga. as friend lng kayo”
Tugon ng aktor: “ano gusto mo, kasal na kami?”
O, ‘di ba, gaya ni Luis Manzano ay palapatol din sa bshers si Diego.