Monday , April 14 2025
cal 38 revolver gun Shabu Drugs

Mister arestado sa baril at P.3-M shabu sa Kankaloo

SWAK sa kulungan  ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng baril at mahigit P.3 milyong halaga ng shabu makaraang magwala sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Bengie Ortiquisa, 39 anyos, residente sa Phase 1, Package 3, Blk 60, Lot Excess, Brgy., 176, Bagong Silang.

Ayon kay Col. Mina, isang concerned citizen ang nagtungo sa opisina ng Caloocan Police Sub-Station 12 at inireport ang tungkol sa isang lalaki na nagwawala habang may bitbit umanong baril sa nasabing lugar.

Kaagad nagresponde sa nasabing lugar dakong  6:30 am ang mga tauhan ng SS-12 sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Allan Soriano, kasama ang intel operatives sa pangunguna ni P/Major John David Chua, nakakitang nagwawala ang suspek.

Gayonman, nang mapansin ng suspek ang mga pulis ay agad naglabas ng baril saka tumakbo ngunit  hinabol siya ng mga arresting officer hanggang makorner at maaresto.

Nang kapkapan, narekober sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, kargado ng dalawang bala, cellphone pouch, at isang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 50 gramo ng hihinalang shabu, may standard drug price P340,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Art 151 and 155 of RPC, RA 10591 at RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …