Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Butt Puwet Hand hipo

Dalagitang nagpa-drawing hinipuan…
BINATILYO HIMAS REHAS

NAGSISI man sa ginawang  panghihimas sa dibdib at panghihipo sa malusog na puwet ng isang dalagita na nagpa-drawing lamang sa kanya, wala nang magagawa  ang 17-anyos na binatilyo kundi maghimas na bakal ng kulunga matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 15-anyos na dalagita sa Navotas City.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:00 ng umaga, habang inaabot sa biktima na itinago sa pangalang Rochelle, Grade 9 student, ang bayad sa kanyang ipina-drawing sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan sa suspek na itinago sa pangalan Rogel ng Letre, Malabon City ay hinawakan ng binatilyo ang kanyang kamay.

Hinila din ng suspek palapit sa kanyang harapan ang biktima saka tinangkang halikan at bigla siyang niyakap bago hinimas ang dibdib at puwitan ng dalagita.

Gayunman, pumalag ang biktima at itinulak ang binatilyo saka isinumbong sa kanyang ina ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mag-ina sa mga tauhan ng Sub-Station 4.

Kaagad pumunta ang mga pulis sa naturang lugar kung saan naabutan nila ang suspek sa labas ng bahay ng biktima at tinangkang humingi ng tawad sa dalagita.

Dito na tumanggi ang biktima at sa halip ay itinuro niya ang suspek na nang molestiya sa kanya na naging dahilan upang arestuhin ng mga pulis ang binatilyo.

Nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare (CSW) ang binatilyong nanggigil sa magandang  dalagita. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …