Saturday , December 28 2024
Covid-19 Kamara Congress Money

Velasco, Romualdez nag pasalamat sa mga kasama sa Kamara

ni  Gerry Baldo

Nagpasalamat si House Speaker Lord Allan Velasco at House majority leader Martin Romualdez sa mga kasamahan nila sa Kamara sa pagpasa ng mga batas na kinailangan ng bansa upang maiahon ang bansa sa gitna na matinding pandemya.

Sa pagsasara ng ika-18 Kongreso, sinani ni Velasco na malaking bagay ang nagawa ng mga kongresista sa panahon ng pandemya.

“Allow me to thank each one of you for all the help and support, particularly to Majority Leader Martin Romualdez and Minority Leader Caraps Paduano, for being my true partners in building this One Congress,” ani Velasco.

Nagpasalamat din si Velasco sa mga deputy speakers at sa nga namuno sa iba’t-ibang komite sa Kamara pati na kay Secretary General Mark Llandro Mendoza at sa House Secretariat, congressional staff.

“Despite the many challenges that happened during my tenure as your Speaker, we have risen and proven ourselves to be One Congress, ready to serve our people,” ani Velasco.

“One Congress, ready to scrutinize the national budget, to pass laws, to conduct hearings, to provide oversight on the implementation of laws, and to generally make it easier for the next Congress and its leadership, to continue the legislative work for the sake of our kababayans,” dagdag pa niya.

Anang speaker naging susi at partner ang Kamara ng Ehekutibo sa pamumuno ni Pangulong Duterte sa pag sabatas ng nag udyok sa oagunlad ng ekonomiya, pag palakas ng batas at ang labor at social  welfare.

 “We implemented hybrid hearings and aggressive mass testing, and heightened health protocols to protect those attending the committee hearings and plenary deliberations,” anang speaker.

“We introduced environmentally-sustainable energy sources in the House and initiated technological innovations to our House security system,” aniya.

Inalala din ni Velasco ang siyam na kongresistang namatay sa terninong ito.

Sila ay: Resurreccion Acop (Antipolo City, 2nd District), Rodolfo Albano (LPGMA Partylist), Marissa Andaya (Camarines Sur, 1st District), Carlos Cojuangco (Tarlac, 1st District), Francisco Datol Jr. (SENIOR CITIZENS Partylist), Raul Del Mar (Cebu City, 1st District), Nestor Fongwan (Benguet), Marisol Panotes (Camarines Norte, 2nd District), and Ditas Ramos (Sorsogon, 2nd District).

Sa kanyang talumpati binangit ni Velasco ang mahahalagang batas na isinulongnng Kamara kagaya ng “Tulong” bills na inaasahang gigya sa bansa para maibsan ang epekto ng pandemya kagaya ng pagamyenda sa Retail Trade Liberalization Act, the Foreign Investments Act, and the Public Service Act.

Ipinasa din ng Kamara ang mga batas na tutulong sa pag ahon gnekonomiya.

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …