HINDI nakapalag nang arestohin ang isang laborer na wanted sa kasong qualified rape matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Bagsak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Anthony Verutiao, 35 anyos, residente sa R10 Sitio, Sto. Niño, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) Proper ng nasabing lungsod.
Ayon kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 2:30 pm nang maaresto ang akusado sa kanyang bahay ng pinagsmang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 4 sa isinagawang joint manhunt.
Nabatid, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng WSS na naispatan ang akusado sa kanilang lugar kaya’t agad ikinasa ang manhunt operation.
Hindi pumalag ang akusado nang isilbi ng mga pulis ang isang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cecilia B. Parallag, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9, Family Court, Navotas City para sa kasong Qualified Rape under Par. 1(a) of Art. 266-A in rel. to Art. 266-B, Par. 1 of the RPC RAPE under paragraph 1(a), Article 266-A of the revised penal code, as amended by Republic Act. No. 8353. (ROMMEL SALES)