Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ayen Castillo Jomari Yllana Abby Viduya Aspire Global Magazine

Jomari at Abby sinusubukang magka-anak

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKALULULA kung paano ginawa ni Ayen Castillo, CEO at presidente ng Aspire Magazine Philippines & Global ang napakaganda at napakalaking paglulunsad ng kanilang magasin na ginawa sa Matrix Event Centre, Quezon City.

Naka-gown ang lahat nang nai-feature nila sa magasin at rumampa isa-isa na pinangunahan nina Klinton Start,cover ng Aspire Magazine Philippines at Marianne Besmundo, cover naman ng Aspire Magazine Global.

Kasabay ng launching ang pagbibigay ng award sa mga inspiring personalities mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Pinangunahan ito nina Jomari Yllana at Abby Viduya gayundin ang isa sa ating kolumnista na si John Fontanilla. Kinoronahan din nila ang ilang sa mga 2022 Aspire Royalties.

Sa kabilang banda, nakahuntahan namin dito sina Jomari at Abby na masayang-masaya dahil kapapanalo pa lang ng aktor bilang konsehal sa 1st district ng Paranaque. Ito bale ang ika-tatlong termino ng aktor.

Sa aming pakikipagkuwentuhan sa mag-partner, nabanggit nila na pinaplano na nila ang pagpapakasal. Hindi pa lamang sila makapagbigay ng eksaktong date kung kailan gagawin. Pero definitely, hindi nila itatago.

Sumusubok na rin silang gumawa ng baby dahil gusto rin nilang magkaroon ng anak.

“Yes, we’re planning,” sambit ni Abby.

Sa amin kung ibibigay oo naman kasi malapit na kaming mag-expire,” natatawang sabi naman ni Jomari. 

Yes, we are both 45 years old,” susog pa ni Abby. “Gabi-gabi na nga naming tina-try ha ha ha,” natatawang dagdag pa ng aktres na napapanood sa Lolong ng GMA 7.

We are trying talaga,” giit pa ni Abby. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …