MAGSASAGAWA ng diplomatikong aksiyon ang Department of Foreign (DFA) laban sa mga paglabag sa soberanya ng Filipinas at mga karapatan nito sa loob ng maritime jurisdiction.
Ayon sa DFA, una rito ang illegal activities sa paligid ng Ayungin Shoal ay subject ng diplomatic protests sa paggamit ng mga karapatan at hurisdiksiyon ng Filipinas sa Ayungin Shoal na bahagi ng eksklusibong economic zone at continental shelf ng bansa na pinagtibay noong 2016 Award sa arbitrasyon.
Ang pagkakaroon ng foreign coast guard vessels sa paligid ng Reed Bank ay malinaw na paglabag sa Philippine maritime jurisdiction na ang gobyernong Filipino ang may mandatong magpatupad.
Ang mga detalyadong ulat ng mga aktibidad ay sinusuri para sa paghahain ng naaangkop na diplomatikong aksiyon. Binigyan diin ng DFA, ang Philippine Coast Guard (PCG) ang may hurisdiksiyon sa pagpapatupad nito.
Ang tuloy-tuloy na presensiya ng foreign vessels ay hindi umano naaayon sa Article 19 ng UNCLOS, dahil labag ito sa interes ng Filipinas.
Kaugnay nito, ipinatawag ng DFA ang isang mataas na opisyal ng Embahada ng Tsina sa Maynila upang iprotesta ang pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa RV Legend, gaya ng aktibidad ng marine scientific research (MSR), kasama ang mga Philippine scientists.
Tinitiyak ng DFA sa sambayanang Filipino, mananatiling matatag ang tungkulin ng kagawaran sa pagtataguyod ng interes ng Filipinas at pagprotekta at pangangalaga sa pambansang seguridad at sa teritoryo ng bansa. (GINA GARCIA)