Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yohan Castro Vehnee Saturno Arthur Cruzada

Newbie singer binigyan ng kanta ni Vehnee Saturno 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

MALAKING karangalan para sa tinaguriang Millennial Pop Prince na si Yohan Castro na makadaupang-palad at mabigyan pa ng kanta ng tanyag at multi-awarded composer na si Vehnee Saturno.

Kaya naman nakaramdam si Yohan ang malaking hamon na mapandigan at mabigyan ng hustisya ang komposisyong ipinagkatiwala sa kanya ni Vehnee.

It’s a very big challenge for me dahil ‘yun nga pangalan ni Vehnee Saturno ‘yung nakasalalay doon. So, ako bilang Yohan Castro, ano ang magagawa ko roon sa song na ibinigay niya? It’s a challenge for me, na alam ko gusto rin ni Sir Vehnee na mabigyan ko ng justice ‘yung song.

“Napakalaking oportunidad na makasama ko siya. Sabi ko, ‘Nananaginip ba ako?’ Kasi ang laki ng pangalang Vehnee Saturno para maikabit sa pangalan ko once na makapag-record na ako ng isa man sa mga kanta niya. Bihira lang ‘yung nabibiyayaan ng isang awit mula sa napakagaling na kompositor ng bansa. It’s a big, big achievement na sa buhay ko!” sabi ni Yohan sa press launch at artists contract signing ng ARTalent Management na humahawak sa kanyang career sa pangunguna ni Arthur Cruzada.

Pero mas lumaki pa ang kasiyahan ni Yohan nang malaman niyang hindi lang isa kundi dalawang original songs ang ibibigay sa kanya ni Vehnee.

Samantala, isinabay din sa press launch ng ARTalent Management ang pagpirma ni Yohan ng kontrata bilang endorser at ambassador ng Marah Dalciano Hotel and Resort, Wash N Fresh, at Le Premier Language International. Dagdag ito sa mga nauna nang ineendoso ni Yohan na Queen Eva Salon & SPA at Luminescence Face and Body Care.

Nagpapasalamat nga si Yohan sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng mga ito para maging ambassador gayundin ang malaking suporta ng mga ito sa kanyang singing career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …