Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arthur Cruzada ARTalent Management artists

Arthur Cruzada nangakong aalagaang mabuti ARTalent Management artists

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

OVERWHELMED at emotional si Arthur Cruzada sa tagumpay ng press launch ng inilunsad niyang ARTalent Management kasabay ng contract signing ng kanyang artists na ginanap noong May 27 sa Marah Hotel and Resort sa Alfonso, Cavite.

Kabilang sa hinahawakan niyang artists ang Millennial Pop Prince na si Yohan Castro, ang gwapo at magaling na singer na si Nic Galano, ang theater actor-singer na si Dene Gomez, at ang bandang 3nity na binubuo nina Kevin Saribon, Gennyvi Laxamana, at Rodrigo Alvarez Jr.

“Sobrang overwhelmed ako, iba ‘yung pakiramdam na biglaan ‘yung pagkabuo ng ARTalent Management. Pero sabi ko nga, ‘yung saya nito hindi mapapantayan. Sobra ‘yung kaligayahan ko na dumating sa akin itong mga bagong angels ko, itong mga artist ko na very talented at mababait. Kumbaga itong mga angel na ito I’m pretty sure na magbibigay sa atin ng magandang bukas,” sabi ni Arthur.

Kaya naman nangangako si Arthur na aalagaang mabuti ang kanyang mga talent at hands on siyang ibibigay lahat ng suporta at tulong sa mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

Nakabibilib din ang polisiya ni Art sa pagbibigay ng talent fee sa kanyang artists na 75% mula sa kabuuang kita at 20% lang ang kanyang kukuning cut bilang manager. Ang natitirang 5% ay ibibigay nila sa chosen charity ng kanyang artists.

Kaya naman labis din ang pasasalamat nina Yohan, Nic, Dene, at 3nity band sa pagkakaroon ng isang manager na tulad ni Sir Art.

Nagpapasalamat din kaming mga press kay Art na naimbitahan kami sa  event na itinaon din sa kanyang birthday. Salamat din sa buong staff at lahat ng artists ng ARTalent Management. Thank you sa magandang accomodations at services ng tinuluyan naming Marah Hotel and Resort sa 656 Brgy. Marahan 1, Alfonso, Cavite. Thank you rin sa pampering and relaxation na ibinigay sa amin ng Queen Eva Salon & SPA. Siyempre salamat kay Pilar Mateoat sa lahat ng nakasama naming media friends.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …