Friday , November 15 2024
road traffic accident

Sumalpok sa bahay
INA, SANGGOL PATAY SA SUV

PATAY agad ang isang ina, habang ang kanyang anim-buwan na sanggol ay binawian ng buhay sa ospital,

nang sumalpok ang isang sports utility vehicle (SUV), minamaneho ng isang retiradong opisyal ng Philippine Army, ang kanilang bahay sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Sabado, 28 Mayo.

Kinilala ang mga biktimang sina Claire Daluping, 39 anyos, kasambahay, at kanyang anak na si Kawhi,

6-buwan gulang.

Ayon kay P/Maj. Gary Gayamos, tagapagsalita ng Kalinga PPO, agad namatay si Daluping matapos mabangga ng sasakyan ang dingding ng kanilang bahay sa Sitio Dananao, Brgy. Lacnog, dakong 3:00 pm kamakalawa, samantala, sa ospital namatay ang kanyang sanggol na anak. 

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang sina Kristell Gasatan, 15 anyos; at Beverly Daluping, 14 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na pauwi sa Isabela ang driver na kinilalang si Edwin Ortiz, 65 anyos, retiradong Army officer, nang mag-overtake siya sa isang kotse na biglang kumabig pakaliwa.

Nang tangkain niyang pahintuin ang minamanehong sasakyan, accelerator ang kanyang naapakan imbes ang preno, dahilan ng pagsalpok nito sa bahay ng mga biktima.

Kasalukuyan noong nasa harap ng bahay ang mag-ina nang banggain ng sasakyan ang dingding, at sa lakas ng impact ikinasira ito ng sasakyan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya si Ortiz at nakatakdang sampahan ng pormal na reklamong reckless imprudence resulting in damage to property with double homicide and multiple physical injuries.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …