Saturday , April 1 2023
riding in tandem dead

Itinumba ng riding-in-tandem <br> BARANGAY CHAIRMAN, PINAGBABARIL

PATAY ang isang barangay chairman na pinagbaril habang ginagamot sa isang pagamutan, ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat, dakong 4:30 pm nang malagutan ng hininga habang ginagamot sa Manila Central Uniuversity (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Felimon Villanueva, 68 anyos, barangay chairman ng Tonsuya, sanhi ng mga tama ng bala sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan.

Nabatid sa imbestigasyon nina Malabon City police investigators P/SSgt. Michael Oben at P/Cpl. Renz Baniqued dakong  9:35 am nitong Sabado nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima sa C. Perez St., Brgy Tonsuya, ng nasabing lungsod.

Nabatid, kasalukuyang nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang biglang lapitan ng isa sa mga suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at ilang beses pinaputukan sa katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang gunman sakay ng isang Honda Click motorcycle na minaneho ng kanyang kasabwat patungong E. Roque St., Brgy. Tonsuya, habang isinugod ang biktima sa nasabing ospital ng ilang residente sa lugar.

Ipinag-utos ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot sa kanyang mga tauhan ang follow-up operation para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam ang tunay na motibo sa pamamaril sa biktima.

May hinala ang mga nakakikilala sa biktima na politika ang motibo ng pamamaril at pagpaslang. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …