Monday , April 28 2025
Babaeng holdaper tiklo sa Laguna, kasabwat nakatakas

Babaeng holdaper tiklo sa Laguna, kasabwat nakatakas

NASABAT ang isang babaeng hinihinalang tumangay ng pera sa isang convenience store sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, habang nakatakas ang kanyang lalaking kasabwat nitong Sabado, 28 Mayo.

Kinilala ni Laguna PPO provincial director P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang suspek na si Celeste Mercado, 44 anyos, residente sa Burgos St., Brgy. Isip Norte, San Manuel, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng Biñan CPS, dakong 8:02 pm kamakalawa nang magdeklara ng holdap ang dalawang suspek sa Alfamart convenience store na matatagpuan sa University Centra, Brgy. San Antonio, sa naturang lungsod.

Sa salaysay ng store crew na si Ronald Rey Espinosa, sinabi niyang armado ang mga suspek ng baril nang pumasok sa kanilang tindahan nagpaputok ng dalawang beses saka nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng mga akusado ang lahat ng laman ng cash register na nagkakahalaga ng P12,510.

Nang mapansin ng mga residente ang tumatakas na mga suspek, hinabol nila ang dalawa at nakorner si Mercado habang nakatakas ang kaniyang kasabwat na lalaki.

Agad nakapagresponde ang mga pulis na nagpapatrolya sa bisinidad ng tindahan nang matanggap ang alerto at nadakip si Mercado.

Nakompiska mula kay Mercado ang isang kalibre .38 revolver, kargado ng dalawang bala, habang nakuha sa lugar ang isang depormadong bala at dalawang basyo pa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS si Mercado habang kasalukuyang isinasagawa ang hot pursuit operation sa posibleng pagkaaresto ng isa pang suspek na tumakas tangay ang perang kanilang ninakaw.

Pahayag ni P/Col. Ison Jr., “Kapuri-puri ang Biñan CPS sa pagkakaaresto sa suspek. Gayondin, nagpapasalamat kami sa concerned citizens na tumulong upang makorner ang suspek. Bagamat nakatakas ang isa pang suspek ay tiwala ang pulisya na mapapasakamay din siya ng batas.”

Ani P/BGen. Antonio Yarra, CALABARZON PNP Regional Director, “Iimbestigahan din natin ang grupo ni Mercado kung involved sa mga series ng pangho-hold-up sa mga Alfamart at iba pang retailer stores sa Laguna at sa mga karatig Probinsiya.

“Kapag lumabas sa imbestigasyon na may grupo nga ito ay hindi namin titigilan hanggang hindi sila nauubos.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …