Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nadine Lustre Yassi Pressman Rolling In It

Yassi ini-request si Nadine para maglaro sa Rolling In It Philippines

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TUWANG-TUWA si Yassi Pressman na pumayag ang kaibigan niyang si Nadine Lustre para maging guest at player sa hinohost niyang gameshow sa TV5, ang Rolling In It Philippines, na magbabalik telebisyon na para sa second season sa Sabado, May 28.

Inamin ni Yassi na marami siyang celebrities na hiniling para maglaro sa Rolling In It Philippines at kasama na nga roon si Nadine.

Marami po akong winish actually na nagkatotoo. Unang-una, we’re launching this season with Nadine, who hasn’t been on TV for four or five years. So, nagulat ako na pumayag siya. We will be having Zeinab (Harake) soon. We have sina Diego Loyzaga, Marco Gumabao. We have a lot of big gamers and TikTok superstars. Pero hindi ko na po i-spoil lahat para mayroon po kayong aabangan. But it’s really been nice to have them on the show,” sabi ni Yassi sa mediacon.

Nagsimula ang magandang samahan at pagkakaibigan nina Yassi at Nadine nang magkasama sila sa pelikulang Diary Ng Panget noong 2014. At ngayon nga ay hindi lang sila basta magkaibigan kundi mag-partners in promoting mental health awareness.

Bukod kay Nadine, mapapanood din sa pilot episode ng season 2 ng Rolling In It Philippines sina Chad Kinis at Jerald Napoles. Maliban sa showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sport personality, comedians, at iba pa.

Tulad ng nakaraang season, ang mga regular contestant ay magkakaroon ng pagkakataong maglaro kasama ang kani-kanilang celebrity partners na masusubukan ang kanilang teamwork, diskarte at suwerte sa pagkolekta ng points para maiuwi ang P2-M. Sa pamamagitan ng paggulong ng Power Coin sa slots ng giant arcade, maaaring pumili ang players ng PLAY para masiguro ang panalo, o PASS para maibigay ang tanong sa susunod na team na lalahok.

Ang unang season ng Rolling In It Philippines ay nag-premiere noong June 2021, na nakita ng mga viewer ang offscreen at playful side ng mga celebrity at multifaceted talents na nagpasaya sa bawat Sabado ng mga pamilyang Filipino.

Pagulungin muli ang suwerte kasama ang Rolling In It Philippines Season 2, ngayong May 28 na, 7:30 p.m. sa TV5. Mapapanood ang catch-up episodes sa Cignal TV CH. 3 at SatLite CH. 30. Maaari ring mag download ng Cignal Play App para mapanood ito Live at On-demand para sa Android at iOS users.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …