Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Ilagan, Isabela
ASAWA NG HUKOM TINAMBANGAN NG RIDING-IN-TANDEM, PATAY

Binawian ng buhay ang asawa ng isang hukom ng Regional Trial Court sa bayan ng Ilagan, lalawigan ng Isabela, nang barilin ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo nitong Miyerkoles, 25 Mayo.

Kinilala ang biktimang si Agnes Cabauatan-Palce, asawa ni Judge Ariel Palce ng Ilagan Regional Trial Court Branch 40, at internal audit manager ng Isabela Electric Cooperative 2 (ISELCO 2).

Nabatid na sakay si Agnes ng van pauwi ng kanilang bahay nang sabayan ito ng isang motorsiklo.

Malapitang binaril ng nakaangkas sa motorsiklo ang biktima na tinamaan sa kanyang kanang panga.

Dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Agad tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy motibo sa likod nito at pagkakakilanlan ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …