HIMAS-REHAS ang isang mangingisda na wanted matapos masakote ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging naarestong si Ruben Aboga Jr, 21 anyos. residente ng #50 Little Samar St., Brgy. San Jose ng nasabing siyudad.
Ayon kay Col. Ollaging, dakong 3:15 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Intelligence Section ng Northern NCR Maritime police sa isinagawang joint manhunt operation si Aboga sa kanyang bahay.
Nabatid na unang nakatanggap ang mga operatiba ng WSS ng impormasyon na nakita ang akusado sa kanilang lugar naging dahiln upang isagawa ang operation kontra sa kanya.
Si Aboga ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Aimee S. Arago, Presiding Judge, MeTC Branch 119, Navotas City, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Criminal Case no. 22-24851. (Rommel Sales)