Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arron Villaflor

Aaron nabigla nang tsugihin sa Ang Probinsyano

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IKINAGULAT pala ni Arron Villaflor ang biglang pagkawala niya sa action-seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin, ang Ang Probinsyano.

Nabanggit at napag-usapan ito sa isinagawang story conference ng original series ng Viva, ang Wag Mong Agawin ang Akin kamakailan.

Kuwento ni Aaron ukol sa pagkasibak sa longest-running series ng Kapamilya Network, Hindi ko nga alam kung bakit ako nawala sa ‘Ang Probinsyano.’ That was my last series sa ABS-CBN so I waited for two years.”

Sinabi pa ni Aaron na ang Ang Probinsyano ang naging huling serye niya sa Kapamilya at simula noon ay hindi na siya muling nabigyan ng chance para makapag-work muli.

Dalawang taon na rin po akong hindi nakakabalik sa series kaya I’m glad and thankful, may panibagong blessing,” anang aktor.

“Nagpapasalamat ako sa family ng Vivamax for acknowledging me and, somehow, putting me on their project.

“I’m excited but a little bit nervous. Gagawin natin kung ano ‘yung hinihingi ng project,” sambit pa ni Arron.

Nasabi naman ni Josef Elizalde, kasama rin sa Wag Mong Agawin ang Akin, na tatlong taon din silang napanood ni Aaron sa Ang Probinsyano.

At dahil sasabak na si Aaron sa Vivamax na kilala sa paggawa ng maraming sexy films, natanong ang aktor kung magiging palaban na rin ba siya sa pagpapaseksi at paghuhubad sa bagong original series ng Vivamax.

Wait for it na lang po. Can I say na I will surprise you?” anito na bukod sa kanila ni Josef ay makakasama rin sina Angeli Khang, Jamila Obispo, Felix Roco, Yayo Aguila, at Angelica Servante, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …