Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PA
ni Rommel Placente

BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental.

Nailathala sa Facebook account ng hotel ang litrato ng dalawa at doon kinuwestiyon ng netizens kung bakit magkasama ang mga ito?

May mga nang-aasar pa sa girlfriend ni Xian na si Kim Chiu na netizens na nagsasabing, “shot na,” na animo’y ipinahihiwatig ng mga  ito na may dapat ipagselos si Kim.

Sabi ni Xian, “Speaking of Facebook, may nabasa ako, nag-i-scroll ako kagabi. May mga nagta-tag ng kaganapan daw, na diumano natagpuan, na spotted daw ako sa isang lugar.

“Not guilty. Yun na lang.”

Natatawa na lang si Xian na binigyan ng malisya ng ibang tao ang simpleng litrato nila ni Barbie.

I guess, ang reaksiyon ko lang dun is, totoo ba? Alam mo yun? Wala tayong panahon diyan. Wala na bang mabalita?

“Pero salamat sa lahat ng mga nagtanggol sa akin.

“I guess, the news is just absurd. Wala akong panahon para diyan.

“Sabi ko nga, boring ako na tao, nasa bahay lang ako, nagsusulat.

“Sa dami ng ginagawa ko, wala akong panahon para diyan.”

Ipinagtanggol kasi si Xian ng ilang netizens na nagpakita ng resibong may dinaluhang miting de avance sina Xian at Barbie sa Davao City, at doon sila nanuluyan sa hotel  na nakunan sila ng litrato.

O ayan, sa mga nang-iintriga kina Xian at Barbie na baka may something na  sa kanila, nilinaw na ni Xian na wala. At sa totoo lang, hindi naman magagawang lokohin at pagtaksilan ni Xian si Kim. Mahal na mahal niya si Chinita Princess. At hindi siya gaya ng ibang lalaki na manloloko. Matino si Xian! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …