ni Gerry Baldo
Iprinoklama ng National Board of Canvassers ngayong hapon ang tandem nila Bong Bong Marcos at Sara Duterte sa Kamara de Representantes matapos ang tatlong araw na Canvassing.
Si Marcos ay nakakuha ng 31,629,783 na boto habang si Duterte naman ay nakakuha ng 32,208,417.
Magiging ika-17 presidente si Marcos at si Duterte ay ika-15 na bise presidente kasunod ni Vice President Leni Robredo.
Nag umpisang bilangin ang 171 ng 173 certificates of canvass ng joint canvassing committee (JCC) ng Kamara.
Hindi kasama sa binilang ang mga balota mula sa overseas absentee voting (OAV) sa Argentina at Syria na hindi pa dumating.
Ang JCC, co-chaired by Senate majority leader Juan Miguel Zubiri at majority leader Ferdinand Martin Romualdez na pinsan ni Marcos Jr., ay gumawa ng report ng canvassing at isinumite ito sa joint sesyon ng Kamara de Representantes at ng Senado para aprubahan.
Alinsunod sa alituntunin ang report ng JCC ay pagbobotohan ng mayorya ng mga miyenbro ng Senado at Kamara sa hiwalay na botohan.
Matapos ang adoption ng Resolution of Both Houses sa canvass report, prinoklama nila Senate President Vicente Sotto III at Speaker Lord Allan Velasco si Marcos at Duterte-Carpio.