Friday , November 15 2024
riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang mga suspek nitong Martes ng umaga, 24 Mayo, sa Brgy. Bicol, bayan ng Tuao, lalawigan ng Cagayan.

Kinilala ng Cagayan PPO ang napaslang na biktimang si Dante Blanza, 61 anyos, barangay chairman ng Sto. Tomas, sa nabanggit na bayan, habang ligtas ang kaniyang angkas na si Eduardo Montorio, 61 anyos, kagawad ng parehong barangay.

Ayon sa mga nag-iimbestigang pulis, sakay ng motor si Blanza at kanyang kagawad, patungo sa Department of Agriculture office ng Tuao west.

Nang dumating sa Brgy. Bicok, nag-overtake sa kanila ang dalawang hindi kilalalang gunman na sakay ng motorsiklo saka sila pinaptukan ng baril.

Tinamaan si Blanza sa dibdib na nadala pa sa St. Paul Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang dragnet operation para sa pagkakadakip ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …