I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG nadamang pressure at confident si Kylie Padilla sa comeback teleserye niya sa primetime na Bolera.
“Alam kong maganda ang show namin kaya wala akong pressure na nadama. I’m so proud of this show. I love it kasi may element of empowerment. Billiards is associated with me but my character as Joni ay may ipinaglalaban!” pahayag ni Kylie sa zoom mediacon ng GMA series.
Inakala nga ni Kylie na matapos manganak at makipaghiwalay sa asawang si Aljur Abrenica, hindi na siya makababalik sa showbiz.
“I am so thankful to the Lord and to GMA for this project. This is a perfect comeback for me!” pagmamamalaki ni Kylie.
Sina Rayver Cruz at Jak Roberto ang mag-aagawan kay Kylie sa series na mapapanood sa May 30.