Friday , November 15 2024

Umawat sa pagwawala tinaga
KAGAWAD SUGATAN, SA UTOL NA INUTAS NG REVOLVER

SUGATAN ang isang barangay kagawad matapos tagain ng nakababatang kapatid na kalaunan ay kaniyang nabaril at napatay dahil ayaw magpaawat sa pagwawala sa Brgy. Basak, bayan ng Cauayan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo, 22 Mayo.

Kinilala ang kagawad na si Freddie Baballero, 51 anyos, tinaga ng kaniyang nakababatang kapatid na si Richard.

Ayon kay P/Lt. Col. Roberto Indiape, Jr., hepe ng Cauayan MPS, inaawat umano ng opisyal ng barangay ang kanyang kapatid na nagwawala dahil sa kalasingan.

Sinabi ni Indiape, armado ng itak si Richard at patungo sa ibang barangay kaya pinigilan ng kanyang kuyang si Freddie.

Sinabing ikanainis ito ni Richard at sinalakay ang sariling kapatid saka tinaga sa kaliwang braso.

Dahil dito, kinuha ng kagawad ang kaniyang kalibre .38 revolver saka dalawang beses pinaputukan ang kapatid sa kanyang katawan.

Kapwa dinala ang magkapatid sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival si Richard.

Samantala, kusang loob na sumuko ang barangay kagawad sa pulisya dala ang kaniyang baril.

Dagdag ni Indiape, pinag-uusapan ng pamilya kung magsasampa sila ng kaso laban kay Kagawad Freddie.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …