Monday , May 12 2025
Mercraft 2 RORO fire Real Quezon

Sa Real, Quezon
7 PATAY, 23 SUGATAN SA NASUNOG NA RORO

PITONG pasahero ang namatay habang 23 ang sugatan

nang masunog ang Mercraft 2, isang roll-on-roll-off (RORO) passenger vessel, may sakay na 135 katao, halos 1,000 metro ang layo mula sa pier ng Real, sa lalawigan ng Quezon nitong Lunes ng umaga, 23 Mayo.

Ayon kay Philippine Coast Guard Public Affairs Office chief, Commodore Armando Balilo, inilabas ang paunang ulat na nakalap mula sa C.M. Recto District Hospital sa bayan ng Infanta, pito ang namatay sa insidente kabilang ang limang babae at dalawang lalaki.

Kinilala ang mga biktimang nasawi na sina Viola Empreso, Marivic Samareta, Edna Balanac, Mina Enciso, Charito Escareces, Andy Tejares, at Crisanto Debelles.

Sa salaysay ng mga saksi, nagsitalunan ang mga pasahero pati ang mga crew ng nasusunog na sasakyang pandagat dahil palaki nang palaki ang apoy na tumutupok dito.

Ayon sa hepe ng Real MPS na si P/Capt. Christopher Riano, umalis ang Mercraft 2 sa Polillo Island dakong 5:00 am patungong bayan ng Real.

Dakong 7:00 am kahapon nang mamataan ang nasusunog sasakyang pandagat sa Brgy. Balute, may 1,000 metro ang layo patungo sa pier ng Real.

Iniulat ng mga opisyal ng Brgy. Ungos, sa pulisya ang insidente na agad nirespondehan ng mga tauhan ng PCG-Real, Real Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO), emergency rescue team, volunteer rescue workers, at iba pang pribadong sasakyang pandagat.

Nagawang makontrol ng rescuers ang apoy dakong 10:00 am habang patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Kabilang sa 135 pasahero ng sasakyang pandagat ang 124 pasaherong nakalista sa manifesto, dalawang hindi nakalista, at siyam na crew.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …