Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Denise Esteban

Paghuhubad ni Denise may blessing ng magulang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WALANG masama sa paghuhubad!’ Ito ang matapang na tinuran ng dating P-Pop Generation member na si Denise Esteban nang makapanayam namin siya sa media conference ng pinagbibidahang pelikula, ang Secrets ng Viva Films na isinagawa sa Wingzone Araneta, Cubao, QC.

Bale ito ang ikatlong pelikula ni Denise sa Viva na unang napanood sa Vivamax Original Movie na Kaliwaan na pinagbidahan ni AJ Raval at nasundan ng Doblado na pinagbidahan ng tubong-Baguio kasama sina Mark Anthony Fernandez, Josef Elizalde, Stephanie Raz, Kat Dovey, at Gwen Garci.

Palaban si Denise kung hubaran lang ang pag-uusapan. Katwiran niya, walang masama sa kanyang ginagawa at kailangan naman talaga sa role niya ang paghuhubad.

 Naikuwento ni Denise na pangarap niya talaga ang umarte kaysa kumanta. “Bata pa po ako noon kaya hindi pa pwedeng gumanap ng daring roles kaya napunta ako sa pagkanta,” paliwanag ng seksing-seksing si Denise noong gabing iyon na ngayon ay puwede nang magbuyangyang dahil 20 years old na raw siya. 

Ikinatwiran din ni Denise na may blessing siya ng kanyang mga magulang kaya naiintindihang trabaho lang ang kanyang ginagawa.

Kasama ni Denise sa Secrets sina Janelle Tee, Benz Sangalang, at Felix Roco.

Ukol sa magkasintahang nag-aakalang kilala na ang isa’t isa ang kuwento ng Secrets.

Gustong ayusin nina Janine (Janelle) at Christian (Benz) ang mga problema nila sa kanilang relasyon. Kaya naman tumakas muna sila sa siyudad at nagpunta sa isang isolated beach house na pagmamay-ari ng kanilang kaibigan, at inaalagaan ng mag-asawang Rading at Elena. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, may isa pang guest sa beach house–si Leo (Felix), pamangkin ni Elena na isang engineer sa Middle East at sandaling nagbabakasyon. Bumalik si Leo sa beach house upang makita ulit ang kanyang fuck buddy na si Felina (Denise), isang waitress sa isang resort.

Sa umpisa pa lang ay hindi na gusto ni Janine si Leo, dahil may kutob ito na delikadong tao. Tuso at mapaglaro si Leo. Hinihikayat niya ang kahit na sino para sa sarili niyang kaligayahan. Ang hindi nila alam, unti-unti na silang nahuhulog sa patibong ni Leo.

Ang Secrets ay idinirehe ni Jose Javier Reyes, streaming sa VIVAMAX simula June 10.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …