Friday , November 15 2024
P81-M shabu nasabat GEN DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

P81-M shabu nasabat,
GEN. DANAO NAGBABALA vs SINDIKATO NG DROGA

NAGTUNGO si PNP officer-in-charge (OIC) P/Lt. Gen. Vicente Danao, Jr., sa matagumpay na buy bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kung saan nasabat ang tinatayang 12 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P81 milyon sa tatlong high value drug suspects lulan ng isang Honda Civic Sedan.

Nasakote sa tapat ng isang convenience store sa kanto ng Maysan Road at C.J. Santos St., Valenzuela City ang mga suspek.

Nabatid kay PNP OIC P/Lt. Gen. Danao, ang kampanya kontra kriminalidad at droga ay patuloy na inilulunsad at mas paiigtingin pa ng pulisya sa panahon ng kanyang pamumuno sa pambansang pulisya.

Ito ay upang matiyak ang katiwasayan ng mga komunidad at kinabukasan ng ating  mga kababayan partikular ang mga kabataan.

Kasabay nito, muling nagbabala si Danao sa mga ‘would be criminals’ at mga sindikato ng droga na itigil ang ilegal na aktibidad dahil hindi nagpapahinga ang PNP sa pagtugis laban sa masasamang elemento.

“Lahat ng gumagawa ng ilegal na aktibidad lalo sa droga, masuwerte kayo kung maabutan kayong buhay tulad nito hindi lumaban. Pero ‘pag nagtagpo tayo, definitely may kalalagyan kayo. Kung ayaw ninyong baguhin ang mga buhay ninyo, babaguhin ko ang birthday ninyo!” pagtatapos na pahayag ni Danao.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …