Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kat Dovey

Kat Dovey walang limitasyon sa paghuhubad: I’m just ready to do anything para sa ikagaganda ng pelikula 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PALABAN ang isa pang nadiskubre ng Viva na unang napanood sa Adarna Gang. Ang tinutukoy namin ay ang balikbayan mula sa United Kingdom, si Kat Dovey na napapanood ngayon sa pelikulang Doblado sa Vivamax.

Ani Kat, bagamat sa UK siya namalagi, sa Pilipinas siya ipinanganak at nag-aral kaya naman magaling siyang mag-Tagalog. 

“I finished business administration then I went to the UK to work in real estate.

“But I had to come back here in October of 2021 kasi my mom and my grandma are here. I first went into modeling before joining Viva,” kuwento ni Kat na kaibigan pala ng anak ni Lara Morena na siyang naging daan para maging artista.

At dahil palaban, walang issue kay Kat kung anumang role ang ibigay sa kanya tulad sa Doblado na isang high school prostitute ang ginagampanan niya.

“I’ve always been a sexually empowered woman and we were born naked, so bakit may malisya ang showing of naked bodies?”

“Maraming scenes po rito na hot and steamy kaya dapat talaga nilang abangan. I just have to use my own sexual energy to do them.

“Actually, mas nahirapan ako roon sa bathtub scene na papatayin ako. Tapos nilagyan ako ng fake blood na syrup at pumasok ‘yun sa ilong ko. Masakit!” kuwento ng sexy star.

Bukod sa Doblado kasama rin si Katrina sa High On Sex na idinirehe rin ni GB San Pedro.

Iginiit pa ni Kat na wala siyang limitasyon sa paghuhubad sa harap ng camera. “Wala akong limitations. I’m just ready to do anything para sa ikagaganda ng pelikula.

“In doing a sexy scene, we study the choreography beforehand kasi lahat naman sa eksena, planado na ng director. We just follow it para hindi mahirap ang execution,” sambit pa ni Kat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …