HATAWAN
ni Ed de Leon
SI Claudine Barretto, kumandidatong konsehal lamang sa Olongapo, natalo?
Inaasahan na naming mangyayari iyan. Mukha naman kasing hindi seryoso si Claudine sa pagkandidatong iyon. Mukhang kinumbinsi lamang siya pampalakas ng line up. Bagama’t may properties sila sa Olongapo, sa Quezon City naman talaga naninirahan si Claudine.
Maski sa kanyang mga interview eh, hindi nababanggit ni Claudine na kandidato siya sa Olongapo. Nagkaroon pa nga siya ng controversy nang sabihin niya kung ano ang pinaniniwalaan niyang beliefs ng kanyang dating boyfriend na si Rico Yan kung nabubuhay pa iyon hanggang ngayon, na hindi naman pinalampas ng mga troll ng kalaban. Pero ipinagtanggol si Claudine ng nakababatang utol ni Rico.
Isipin ninyo iyon, hindi man lang nabanggit na siya rin ay kandidato. Pero hindi man nanalo ok lang iyon kay Claudine. Aktres naman siya talaga at hindi politician.