NANAWAGAN ang Gabriela Women’s Party sa pamahalaang Duterte na ipagpaliban ang napipintong pagtaas ng bayarin sa Philhealth sa gitna ng napakataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Rep. Arlene Brosas ng Gabriela Women’s Party, nakatakdang itaas ang bayarin sa Philhealth sa papasok na buwan ng Hunyo.
Anang militanteng mambabatas, matindi ang bigwas ng pagtaas ng premium ng Philhealth sa mahihirap na kasalukuyang nagtitiis sa mababang sahod pero walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“The deferment of the higher PhilHealth premium is even more necessary at this point amid the successive rounds of price hikes since January, and the still unresolved controversies in the state insurer,” ani Brosas.
Ani Brosas, nararapat maglabas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng isang resolusyon para suspendehin ang pagtaas ng premium sa ahensiya.
“We will push for the passage of House Joint Resolution No. 34 which we filed in January to suspend any PhilHealth premium hike, but more importantly, we will continue to push for amendments to the Universal Health Care Act in the next Congress to remove the automatic premium hikes,” paliwanag ni Brosas.
“Philhealth contributions are basically income deductions which could have been spent by workers on food and other necessities. Healthcare should be primarily shouldered by the national government, thru sufficient state funding in the public health system,” aniya. (GERRY BALDO)