ni Ed de Leon
ANO kaya ang gagawin ngayon ni male star? Maliwanag sa partial unofficial tally na talo na naman ang kanyanggay politician boyfriend. Nangyari na rin sa kanya iyan noong araw. Mayroon din siyang gay politician boyfriend na akala niya ay dead na dead sa kanya, pero noong matalo iniwan siya at sinabi pang siya kasi ang malas. Ngayon ganoon na naman. Natalo ang syota niyang gay politician. Pagbintangan kaya ulit siyang malas?
Kawawa naman si male star. Wala naman siyang masyadong trabaho ngayon dahil hindi na siya sikat na matinee idol. Lumipas na rin ang kanyang panahon at sa totoo lang siya naman ang sumira ng career niya eh. Kung ilaglag siya ulit ng lover niyang gay politician, ‘di bumalik na lang siya sa istambayan niya dati. Sanay naman ang mga bading na hinahanap siya sa basketball court.