MA at PA
ni Rommel Placente
ANG dream role pala ni Baron Geisler ay ang pagganap sa buhay ng historical figure na si Juan Luna.
Bilib na bilib kasi siya sa talino, diskarte, at talento ng Filipinong pintor.
Sinabi niya ito sa ginanap na online presscon ng Viva Films para sa upcoming sex-action suspense movie na Pusoy.